|
Post by marcopaolo24 on Jun 21, 2010 8:38:52 GMT 9
sorry i cant take you back, i am walking in the right path, i can still give you my hand, but not as a lover but a good friend.
|
|
|
Post by ►Az3L◄ on Jun 21, 2010 22:04:47 GMT 9
biyaya ay bumuhos na bigla hatid ay ligaya at tuwa. mata ay biglang naluha masyado ng pinagpapala!
|
|
bhing
Full Member
Posts: 101
|
Post by bhing on Jun 21, 2010 22:14:53 GMT 9
|
|
baguioboy
Full Member
iba daw ako, dapat daw i preserve.
Posts: 116
|
Post by baguioboy on Jun 22, 2010 6:02:34 GMT 9
|
|
|
Post by marcopaolo24 on Jun 22, 2010 10:59:54 GMT 9
MRT
Akala ko'y mapapadali, Pero nang dahil sayo, Ako'y nagkamali, Dahil sayo LATE ako.
grrrrr
|
|
baguioboy
Full Member
iba daw ako, dapat daw i preserve.
Posts: 116
|
Post by baguioboy on Jun 23, 2010 20:18:58 GMT 9
Pinakamabuting gawin ay umalis na lamang Nang hindi man lang nalaman iyong pangalan
|
|
|
Post by Omniel on Jul 12, 2010 14:07:00 GMT 9
Kahit ilang oras ako magmukhang t.anga.... Mahal kita wag ka sana magduda... Isang segundo makasama ka, maglalaho aking pangangamba.... Mahal kita wag ka sana magduda Natural na natural talaga si Pareng Google eh (na komedyante)
|
|
manny
New Member
Posts: 4
|
Post by manny on Aug 16, 2010 3:18:46 GMT 9
HABI NG WALANG MAGAWA!
Inakay! By Manny H. Carlos
Sa pugad na hayag, apat na itlog ang napisa Binusog sa uod ng mga mapagkalingang ama at ina Pagipod ng panahon lumaking masisigla Itong apat na supling, babae ay tatlo lalaki ay isa!
Sa simula ay palundag-lundag sa mga munting siit Ng lumaon ay dumadapo na sa mga sangang malalabay Nagkalaman ang bagwis dumilaw ang kulay Lalaking inakay palayo ng palayo ang nalalakbay!
Ngayon mistulang tandang na itong sisiw Pagaspas ng pakpak ay umaalingawngaw sa langit Kapwa ibon sa kalawakan sa kanya ay bumabati Kawangis niya ay isang pinagpipitaganang hari!
Angking anyo niya kawangki ay malaking agila May matatalim na kuko na nakahandang manila Tahid ay mahaba at malabalaraw ang talim Na kung may mahagip walang buhay na daramputin!
Sa pinakamatayog na puno siya ay nadapo Nilalang sa gubat siya'y tinitingala tila sinasamba Kanyang malakulog na tinig ay gumulat sa marami Nagpulasan ng takbo kung saan saan nangagkubli!
|
|
manny
New Member
Posts: 4
|
Post by manny on Aug 16, 2010 3:24:29 GMT 9
Habi ng talagang walang magawa!
Inang Wika!
Mula pagkamusmos iyong mga titik at kataga Ulinig sa mga oyaying pamapatulog ni ina Sa aking pagkagupiling tulog ay mahimbing Mula sa iyong mga kundiman at tula ng pag-ibig!
Sa tuwing nalulumbay at nangungulila Lunas kang binubukalan ng ligaya at sigla Ang iyong tunog at himig ay tila nag-aanyaya Na harapin ang bukas ng may tatag at galak!
Madilim na landas ng kabiguang tinatahak Sulo kang tumatanglaw sa pusikit na karimlan Lagiang gumawi sa nararapat at tamang daan Iyong paalala tulad ng isang butihing ama!
Pagsapit ng unos, sigalot at mga suliranin Pamayapa ka sa nangamimighating dibdib Patnubay ka sa mga nilalang na dumaramay Sa mga kapos-palad bukas lagi ang mga kamay!
Pinagugpong-ugpong mong mga salita Ay mala-banal na himno mula sa langit Ang sa iyo ay nagpapahayag at bumabanggit Kapara ay mga kerubing nangag-sisiawit!
Pamukaw ka sa mga mamamayang inaapi Binubusabos ng mga dayuhang maniniil Nakahihigit ka pa sa mga matatalim na gulok Nagpalayas kumitil ng buhay ng mga imbing dayo!
Pagkalinga ang lagi mong ipinahihiwatig Kawangis mo ay yapos ng mapagmahal na ina Supling ang kahalukipkip sa mainit na dibdib Tanda ng pag-giliw na 'di magmamaliw!
Sa iyong sinapupunan mga bayani ay nagmula Sa iyong dibdib mga makata ay nakakatha Ng mga makadiyos at makabayang mga tula Na sa mga naninimddim ay pumukaw sigla!!
Manny H. Carlos (August 15, 2010) Al Hassa, KSA
|
|
manny
New Member
Posts: 4
|
Post by manny on Aug 16, 2010 3:32:37 GMT 9
Sorry talagang walang magawa!
Sa Ilalim ng Tulay ng Gandara!
Nagdapuan, nagkumpulan nagkula-kulapol Nagsiksikan mga nagsugurang gamu-gamo Umaasang may mga biyayang matatamo Sa ilalim at lilim ng tulay ng Gandara!
Di alintana ang init, usok at nagliliparang alikabok Namahay ang mga kulisap bitbit mga uod at itlog Mahihina't may kapansan pati na rin uugod-ugod Nangagdusa't nagtiis sa ilalim ng tulay ng Gandara!
Nalanghap ang 'di pangkaraniwang samyo Nagusyoso uwak, kalapati pati na rin kuwago Sumugod na rin mga buwaya, butiki at palaka Tinugis ang mga insekto sa ilalim ng tulay ng Gandara!
Nabulabog nagpulasan ang mga munting nilikha Mahihina't may karamdaman lahat ay nawala Binusog ng masisiba kani-kanilang sikmura Mga sakim ay nagpista sa ilalim ng tulay ng Gandara!
Tinugis ang mga nagsitakas at nagliparan Dala ng kahinaan madami rin ang naabutan Ng mga hidhid, makalaman at mga suwapang Mula sa pinamugarang ilalim ng tulay ng Gandara!
Mga pinalad ay kung saan saan nagawi napadapo Sa mga singit singit at mga sulok sulok 'Di talos na may mga panganib na nakaamba Tulad na rin ng sa ilalim ng tulay ng Gandara!
Mabilis na lumipad kumalat ang mga balita Nagsilayas na ang mga sakim at maninila Nagsipagbalikan ang mga maralita at dukha Sa kanilang kanlungan sa ilalim ng tulay ng Gandara!
Nagpaulit-ulit magkakatulad na tanawin Sikulo ay nagpaikot-ikot nagpabalik-balik Mga hamak at salat ay pilit na nagbabasakali Na may pagpapalang makakamit sa ilalim ng tulay Gandara!
Manny H. Carlos, Al Hassa, KSA (August 11, 2010)
|
|